Suspek sa massacre sa Bulacan nagpakamatay sa loob ng Custodial Facility  ng San Jose Del  Monte  City  Police  station

Natagpuan wala nang buhay ang isa sa suspek sa pagpatay  sa magiina sa Brgy Caypian San Jose Del Monte kaninang madaling araw.

Kinilala itong si Joselito Cortez 48 anyos na nakakulong dahil sa kasong multiple homecide at paglabag sa RA 8485 o Animal Welfare Act matapos na patayin ang magiina na kinilalang sina  Jaymee Casabuena 28 anyos, Anton gabriel 8 anyos, at Joaquin Mateo 4 anyo at pagpatay rin sa alagang aso ng mga biktima.

Sa ulat ng Bulacan Police Provincial Office, isang inmate na kinilalang si Marlon Sabonsolin ang nakakita sa bangkay ng suspek na nakabiti na sa loog ng comfort room ng kanilang bilangguan.


Ginamit nito sa pagbigti ang isang eletric wire na itinali sa pinaka kisame ng comfort room.

Isinugod pa sa ospital ang suspek pero idineklara itong dead on arrival. Isasailaim naman sa autopsy examination ang bangkay nito.

Facebook Comments