Higit sa 500 market vendors, sumalang sa pooled testing sa QC

54

Abot sa 549 na vendors mula sa 4 na private at public markets sa Quezon City ang sumalang sa pool testing sa COVID-19 sa ilalim ng second partnership ng Local Government Unit sa Project Ark.

Kabilang sa mga vendors ay mula sa Frisco, Tandang Sora, Philand Dr., at Balintawak Market.


One percent o katumbas ng 8 indibidwal na nasuri ay idiniretso sa community care facilities.

Ayon kay City Health Department Chief Dr. Esperanza Arias, ito ay bagong testing strategy sa lungsod na priyoridad ang mga non-medical frontliners tulad ng market vendors, jeepney, tricycle drivers at call center agents.

Sa ilalim ng partnership, gagastusan ang pooled testing ng P4.5 million para sa testing ng 4,000 individuals.

Facebook Comments