Parañaque – Halos napuno ang San Donisio Cover Court malapit sa Sucat Parañaque pulis station kasunod ng kinasa nilang malawakang operasyon sa iba’t -ibang Brgy. sa Parañaque.
Gabi ng nagsimula ang operasyon at higit sa isang daang individual ang dinampot ng mga pulis, mula sa 16 na brgy. sa nasabing lungsod.
51 dito ay pawang mga menorde edad dahil sa paglabag sa curfew hours habang nasa 80 ang inaresto dahil sa ibat-ibang uri ng paglabag.
Ilan sa kanila may mga warrant of arrest, mayroon din dahil sa iligal na droga, paglabag sa city ordinance tulad ng pag-inom ng alak at hindi pagsusuot ng damit pang itaas.
Facebook Comments