Di man kumpleto, humigit naman sa kalahati ng pangunahing target na bilang ng mga hired on the spot ang tiyak na magkakaroon na ng trabaho mula sa araw na ito.
Mula sa employer na pro-p. Umagot ng mahigit dalawampu ang kanilang hired on the spot. Nakapag-ambag naman ang kumpanyang angels burger ng apat na hired on the spot at isa naman mula sa kumpanyang celine..
Pero hindi lamang tatlumpo ang maaring magkaroon ng trabaho dahil ayon sa kumpanyang Cindirella, initial screening lamang ng kanilang aplikante ang naganap dito sa VISTA mall, Taguig. Matapos ang screening, pinapadiretso na nila sa kanilang opisina ang mga ito para ihanda sila sa final interview ng kanilang kliyente.
Ang kumpanyang all nations elite circle naman ay may kaparehong rason na gaya ng sa cindirella.
Kaya makaaasa na mula sa kabuoang bilang na isang daan at pitong aplikante, marami pa ang mabibigyan ng trabaho.
Samantala, umabot sa apatnapu at siyam ang mga hopefulls na nagpatala sa DZXL Radyo Trabaho booth. Maaring ilan sa mga ito ay nakabilang sa hots ngunit ang mga hindi pinalad, ay gagawan ng paraan ng DZXL Radyo Trabaho 558 na mahanapan ng trabaho.