HIGIT TATLONG DAANG MAGSASAKA SA ILOCOS SUR, NAKIBAHAGI SA PROVINCIAL RICE TECHNO FORUM

Nakibahagi ang nasa higit tatlong daang magsasaka sa isinagawang Provincial Rice Techno Forum (PRTF) ng Department of Agriculture sa Barangay Malingeb, Bantay, Ilocos Sur. Ang naturang aktibidad ay taunang isinasagawa ng tanggapan sa pamamagitan ng Rice Banner Program.

Layon nitong mapalakas at maiangat pa ang ani ng mga magsasaka pati na rin ang kanilang kita.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga ito na ma-obserbahan ang nasa dalawamput anim na klase ng bigas sa 20.18-hectare demonstration farm na pagmamay-ari ng isang asosasyon.

Sa naganap na forum, nagkaroon ng pagkakataon na ang mga magsasaka na ma- assess ang mga magagandang klase ng bigas base sa paraan ng pagtatanim at pati na rin sa pag-iwas sa mga peste. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments