Ayon sa Pangasinan PDRRMO, 3,587 pamilya o 10,629 katao ang naapektuhan ng Super Typhoon Nando (Ragasa) hanggang 11 a.m. nitong Martes.
Nasa 33 pamilya (80 katao) ang nasa evacuation centers at anim na pamilya (17 katao) ang tinutulungan sa labas nito. Baha ang naitala sa 57 barangay sa walong bayan at Urdaneta City, habang nagkaroon ng landslide sa Villa Verde Road sa San Nicolas.
Wala pang naiuulat na nasawi. Lahat ng 48 LGU ay nagsuspinde ng klase. Nasa kritikal na lebel ang Marusay River sa Calasiao at Sinucalan River sa Dagupan, at posibleng magdulot pa ng pagbaha.
Nananatiling nasa red alert status ang probinsya, habang naka-preposition na ang mga relief goods at nagpapatuloy ang pagbabantay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









