Higit tatlong milyong piso o P3.75 million pesos ang halaga ng panibagong bugso ng DSWD Livelihood Project Implementation sa bayan ng Bayambang.
Kamakailan ay sinimulan nang isagawa ng DSWD-RO1 at Municipal Social Welfare and Development Office katuwang ang Bayambang Poverty Reduction Action Team at Agriculture Office ang oryentasyon sa mga barangay para sa miyembro ng 4Ps na siyang malapit ng magtapos para mabigyan ng pagkakataong mapili bilang beneficiary sa Sustainable Livelihood Program ng DSWD.
Hinanap ng ahensya ang nasa 250 na qualified beneficiaries sa Sanlibo kung saan kabilang ito sa tatlong napiling priority barangay tulad ng Hermoza, at Tanolong.
Ang mga napiling barangay ay mga nakahanay sa mga poorest barangay sa naturang bayan, ayon sa nakalap na datos ng DSWD-RO1. |ifmnews
Facebook Comments