Tumanggap ng tulong pinansyal na aabot sa limang libong piso ang higit tatlumpung libong pangasinense sa sektor ng turismo mula sa national government ng Department of Tourism sa tulong ng Department of Labor and Employment Office.
Ang lahat ng mga nakatanggap ay ang mga naapektuhan ng covid19 pandemic.
Sa pagbisita ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat sinabi nito na nasa 187.39 million pesos na ang naipamahagi ng DOT na tulong sa probinsya ng Pangasinan.
Samantala, binigyang diin din ng sekretaryo na hindi limitado kung sino ang mga miyembro sa sector ng turismo kabilang din sa mga ito ang mga pedicab drivers,at masahista.
Facebook Comments