Nakolekta mula sa labing limang bayan ng La Union ang nasa 8.423 metriko tonelada ng plastik na basura sa patuloy na pag arangkada ng Trash2Cash Program o Aling Tindera Palit Basura Program.
Sa kabuuan, 175 kahon ng delata ang naipamahagi na ng Pamahalaang Panlalawigan kapalit ng mga nakokolektang basura sa mga kabahayan. Tanging mga pet bottles, soft and hard plastics, tarpaulin, tetra packs at styrofoam ang tinatanggap sa programa na maaaring ipalit ng mga residente sa isang de lata o P10 kada kilo.
Patuloy naman ang suporta ng mga lokal na pamahalaan sa programa bilang pakikiisa sa Plastic Code ng lalawigan.
Nagsimula ang programa noong Abril 2023 na may layuning mabawasan ang polusyon sa kapaligiran dulot ng mga plastik na basura sa ilalim ng 10-year Solid Waste Management Plan ng lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









