Higit ₱16-B na pondo sa 2025, inihihirit ng NFA

Humihirit ng ₱16.3 billion na pondo ang National Food Authority (NFA) sa 2025 para matiyak ang sapat na dami ng bibilhing palay sa mga magsasaka at para sa pasilidad na pag-iimbakan nito.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa na 9.6 bilyong piso sa halagang ito ay gagamitin bilang pambili ng fresh at dry palay.

Kailangan din aniyang matugunan ang drying at milling capacity ng NFA para mas marami ang magiling nito.


Sa ngayon kasi aniya ay nasa 31,000 metriko tonelada lamang ang kayang tuyuin ng NFA, kumpara sa 400,000 metriko tonelada ng palay na kailangang maiimbak.

Dagdag pa ni De Mesa, bagama’t may ₱5 billion na pondo ang NFA para sa ganitong uri ng pasilidad ay kailangan pa rin ng dagdag na halaga para hindi na masiraan ng ani ang mga magsasaka.

Facebook Comments