![YOSI SIGARILYO](https://i0.wp.com/rmn.ph/wp-content/uploads/2019/03/YOSI-SIGARILYO.jpg?resize=696%2C392&ssl=1)
Jolo, Sulu – Nasamsam sa isinagawang operasyon ng pulisya at militar ang higit P2.2 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa Jolo, Sulu.
Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP)-Western Mindanao Command, nadiskubre ang kontrabando sa bahay ng isang Dimer Alih.
Bukod sa mga sigarilyo, nakumpiska rin sa lugar ang tatlong motorsiklo na walang papeles at iba’t-ibang bahagi ng kalibre .45 na baril.
Itinurn-over na ang mga nasabat na kontrabando sa kustodiya ng Sulu Police Provincial Office.
Facebook Comments