Isang babae ang inaresto ng Dagupan City Police Office (DCPO) sa buy-bust operation na ikinasa sa Barangay Lucao, Dagupan City.
Nasamsam mula sa suspek ang tinatayang 101 gramo ng shabu na may halagang ₱686,000 kasama ang ilan pang drug paraphernalias.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, hinihinalang pusher ang suspek na ngayon ay himas rehas sa kustodiya ng Dagupan City Police Office.
Haharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










