Sinimulan na ngayong araw ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang pagpapatupad ng full security deployment ng kanilang mga tauhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Kasunod ito ng nangyaring pambobomba sa Lamitan, Basilan kahapon.
Kasabay nito, pinayuhan ni MIAA General Manager Ed Monreal ang mga pasahero na huwag ikaalarma ang pinahigpit nilang seguridad sa paliparan sa halip at sundin na lang ang nakagawiang airport procedure.
Bahagi ng pinahigpit nilang seguridad ang mas madalas na inspeksyon at random check ng mga sasakyan gamit ang bago nilang hybrid explosive detection equipment.
Dadagdagan din ang foot patrol at perimeter surveillance at dadalasan ang K9 paneling.
Facebook Comments