Vice Mayor ng Rizal Cagayan at Mga Suspek sa Pagpatay kay SB Alvarez, Nasampahan na ng Kasong Murder!

Tuguegarao City, Cagayan – Nasampahan na ng kasong murder ang bise mayor ng Rizal, Cagayan at ang dalawang suspek na pumaslang kay Sangguniang Bayan Member Alfredo Alvarez.

Ang naturang kaso ay inilapit na sa Prosecutors Office para sa regular na pagsampa ng kaso laban kay Vice Mayor Joel Ruma at Eloy Baloran na pawang residente ng Rizal Cagayan.

Samantala ang inquest proceedings ng kasong murder ay naisampa narin laban kay Jessie Labang na nasa pag-iingat na ng Tuguegarao City Police Station na nahuli mismo sa Brgy. Sampaguita, Solana, Cagayan.


Base sa sa CCTV footage na ipinakita ng Tuguegarao Police Station sa anak ni Alvarez ay positibong kinilala nito ang dalawang suspek na sakay ng motorsiklo at umanoy mga tauhan ni Vice Mayor Ruma ng nasabing bayan.

Matatandaan na pinagbabaril ng riding in tandem si SB Alvares pasado ala sai ng gabi noong araw ng Linggo habang pauwi sa kaniyang bahay lulan ng kaniyang kotse sa kahabaan ng City Homes Road sa San Gabriel, Tuguegarao City.

Facebook Comments