HIGPIT SEGURIDAD | MPD at PCG, bantay sarado ang Manila Bay sa mga naliligo

Manila, Philippines – Mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng Manila Police District (MPD) at Philippine Coast Guard (PCG) sa Manila Bay upang mapigilan ang mga nagbabalak na maligo sa naturang Baywalk.

Ayon kay MPD Spokesman Superintendent Erwin Margarejo, mahigpit nilang binabantayan ang Manila Bay dahil sa reklamo ng mga Manilenyo na madalas ginagawang swimming pool ang Baywalk dahil sa tindi ng init na nararanasan ngayon Summer kaya maraming naliligo roon.

Paliwanag ni Margarejo katuwang ng MPD sa pagbabantay ang PCG para matiyak na hindi makalulusot ang mga nagpaplanong magswimming sa naturang dagat.


Una nang nagbabala ang DOH sa publiko na iwasan na maligo sa Manila Bay dahil maraming sakit ang makukuha sa naturang Baywalk.

Payo ni Manila Mayor Joseph Erap Estrada na hinikayat nito ang Manilenyo na sa public pools ng maligo gaya ng Dapitan Sports Complex, Paraiso ng Batang Maynila, Bagong Buhay Pool, Tondo Sports Complex at Jacinto Ciria Sports Complex na lahat ng naturang pools ay walang binabayarang entrance fee.

Facebook Comments