Round 2: Brigada Eskwela isinagawa sa Marawi City kahapon

Nagsanib pwersa kahapon ang mga regional director ng DepEd sa buong bansa para sa round two ng special Brigada Eskwela sa Marawi city. Ayon kay DepEd ARMM Assistant regional secretary Dr.Pajiji,na nanguna kahapon sa naturang brigade eskwela, meron animnaput siyam na paaralan sa Marawi city at dalawampu ditto ay totally damage dahil sa limang buwan bakbakan na matatagpuan sa loob ng main battle area na posibleng ililipat sa ibang mga lugar ang paaralan. Sinabi pa ni Asec.Pajiji na nagtayo narin sila ng transitional classroom sa mga resettlement area ng Marawi city..Para mapaghandaan ang pagbubukas ng klase sa buwan ng June para sa school year 2018-2019 ay nag umpisa na silang maglinis, magsaayos at kumpuni ng mga paaralan sa Marawi.

Facebook Comments