Manila, Philippines – Nakikiisa ang pamunuan ng Manila Police District (EPD) sa ilalim ng pamumuno ni Police Chief Superintendent Rolando B. Anduyan sa mga kapatid na Muslim sa pagtatapos ng pagdiriwang ng Eid’l Fitr .
Bunsod nito ay naglatag na ng Security deployment sa Quirino Grandstand na nagsimula pa kaninang alas tres ng madaling araw.
Ayon kay MPD Spokesman Superintendent Erwin Margarejo maglalatag sila ng mahigit kumulang isang daang pulis para sa naturang selebrasyon para magbigay ng seguridad, umalalay sa trapiko at iba pang serbisyo publiko.
Bukod dito magtatalaga din ang MPD ng mga mobile patrols para sa karagdagang seguridad sa lugar.
Kasabay nito ay nagpakalat din aniya ng intelligence monitoring at target hardening measures ang pwersa ng MPD para mapigilan ang ano mang plano ng panggugulo.
Nagsimula ang pagpa-fasting ng mga kapatid natin Muslim noong May 17 at magtatapos ngayong araw kung saan salu-salo silang pamilya na kumakain sa Luneta.