HIGPIT SEGURIDAD | Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2018 ng DOTr, aarangkada na sa Huwebes

Manila, Philippines – Kasunod ng nalalapit na Semana Santa kung saan marami
sa ating mga kababayan ang uuwi sa kani-kanilang mga lalawigan.

Inatasan na ng Department of Transportation (DOTr) ang lahat ng attached
agencies nito na siguraduhing ligtas ang mga biyahero.

Kasunod nito, simula sa Huwebes o March 22 muling bubuhayin ng ahensya ang
Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2018


Sa nasabing petsa, bente kwatro oras na serbisyo ang ibibigay sa mga
pasahero sa lahat ng paliparan at pantalan.

Pinatitiyak din ni DOTR Secretary Arthur Tugade na mayroong personnel sa
mga booths at immigration counters upang maiwasan ang paghaba ng pila ng
mga bakasyunista.

Mahigpit din aniya ipatutupad ang “no leave, no day-off” sa lahat ng
airport personnel.

Itinalaga naman ang 7890 bilang DOTr Action Center hotline.

Magtatagal ang Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2018 hanggang ikalima ng
Abril.
<#m_6522933911565704565_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments