HIGPIT-SEGURIDAD | Reserve force ng PNP ide-deploy na rin sa mga malls at places of convergence

Ide-deploy na rin ng PNP ang kanilang reserve force na mahigit 1,000 pulis sa mga malls at places of convergence sa National Capital Region (NCR) ngayong long weekend.

Ito ang sinabi ni PNP Chief PDG Oscar Albayalde matapos na magsagawa ng pag-iinspeksyon sa mga terminal at sementeryo kahapon.

Ayon sa PNP Chief habang ang mga territorial units ng PNP ang naka-deploy sa mga sementeryo at sa mga highway patungong lalawigan, ang kanilang reserve force naman ang magse-secure sa mga dadagsa sa malls.


Kahapon ay isinagawa sa Camp Crame ang send-off ceremony para sa inisyal na batch ng 600 pulis na kabilang sa reserve force na ipinadala sa limang police districts ng NCRPO para i-deploy sa Metro Manila.

Paliwanag ni Force Commander Police Chief Superintendent Johnson Almazan, Executive Officer, Directorate for Integrated Police Operations Visayas, ang Reserve Force ng PNP ay binibuo ng mga pulis mula sa iba’t-ibang national support units ng PNP sa national headquarters na normally ay naka-assign sa desk-duty.

Ito aniya ang unang pagkakataon na idineploy ng maaga ang reserve force para aktibong sumabak sa security operation.

Facebook Comments