HIGPIT SEGURIDAD | Security measures kontra terrorist attack patuloy na tinututukan ng AFP

29

Manila, Philippines – Hindi tumitigil ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagsasagawa ng sariling efforts o paraan para mapigilan ang anumang terrorist attack sa bansa.

Kasunod ito ng nangyaring serye ng pagpapasabog sa Indonesia kung saan 18 ang namatay kabilang na ang bombers at 40 sugatan.

Sinabi ni AFP Spokesperson Colonel Edgard Arevalo nakikiramay at ikinalulungkot nila ang nangyari sa Indonesia.

Sa panig aniya ng AFP matagal nang puspusan ang kanilang effort kontra terorismo.

Pero dahil sa pangyayaring ito aniya sa Indonesia mas lalong naka-focus ang AFP sa lahat ng mga sitwasyon o okasyon na maaring samantalahin ng mga terorista.

Facebook Comments