PBA | Renaldo Balkman, maglalaro na sa San Miguel Beermen

26

Manila, Philippines – Kinuha na bilang import ng San Miguel Beermen si Renaldo Balkman kapalit ni Troy Gillenwater.

Mismong si SMB team manager Gee Abanilla ang nag kumpirma kung saan kanila nang inaayos ang mga dokumento ni Blakman para muli itong makalaro sa kanilang koponan.

Matatandaan na pinatawan ng life ban ang Puerto Rican import matapos na sakalin si Arwin Santos noong 2013 Commissioner’s Cup pero humingi ito ng tawad kaya natanggal ang kaniyang ban noong March 2018.

Hindi naman sang-ayon si Alaska owner Wilfred Uytengsu sa pagbawi sa lifetime ban kay Balkman dahil iginiit nito na dapat panindigan ng PBA ang kanilang naging desisyon para maging patas sa iba.

Facebook Comments