HIGPIT SEGURIDAD | Seguridad para sa darating na Kapaskuhan, ilalatag na

Anumang araw mula ngayon ay magtataas na ng kanilang alerto ang Pambansang Pulisya.

Iyan ang inihayag ni PNP Spokesman Chief Superintendent Benigno Durana Jr., bilang paghahanda na rin sa nalalapit na pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Sinabi ni Durana, bagaman at may naka-kahon na silang mga pamamaraan kaugnay sa ikakasa nilang seguridad, isinasailalim pa ito sa security assessment ng mga PNP Regional Directors.


Nakadepende aniya ang pagtataas ng alerto sa sitwasyon ng iba’t ibang lugar sa bansa lalo na sa may mataas na antas ng problema sa seguridad.

Kaya naman, ipinauubaya na rin ng PNP sa mga mga regional, provincial gayundin sa mga city at municipal commanders ang pagpapasya kung may pangangailangang itaas ang alerto sa kani-kanilang nasasakupan at kung gaano katagal ito ipatutupad.

Sa December 16 ang unang araw ng tradisyunal na Misa de Gallo o Simbang Gabi ng katoliko na inaasahang dadagsain.

Facebook Comments