HINIMOK | Mga Pinoy, hinikayat ni Sen. Pacquiao na magbasa ng bibliya

Manila, Philippines – Hinikayat ni Senator Manny Pacquiao ang lahat na magbasa ng bibliya araw-araw.

Ang payo ay ginawa ni Pacquiao sa gitna ng magkakasunod na banat muli ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pari.

Tumanggi si Pacquiao na magbigay ng komento sa ginagawang pag-atake ng Pangulo sa mga pari.


Pero ayon kay Pacquiao, naiintindihan niya si Pangulong Duterte dahil nagkaroon ito ng hindi magandang karanasan sa pari noong bata pa.

Sabi ni Pacquiao, marahil ay malalim ang pinagdaanan ni Pangulong Duterte noon na basehan ng mga banat niya sa simbahan.

Kaugnay nito ay pinaboran naman ni Senator Pacquiao ang mga mungkahi na magkaroon ng dayalog sa pagitan ng simbahan at ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments