HIGPIT SEGURIDAD | Umano’y banta sa buhay ni PRRD, bineberipika pa

Manila, Philippines – Bineperipika na ng Philippine National Police (PNP) ang umano ay banta sa buhay ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay sa gitna na rin ng muling pagbuhay ng Pangulo sa umano ay planong pagpatay sa kaniya ng Central Intelligence Agency (CIA) ng Amerika.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, sineseryoso nila ang banta sa buhay ng Pangulo.


Nilinaw naman ni Albayalde, na bilang Pangulo ay normal lamang na may banta sa buhay nito mula sa mga dayuhang teroristang grupo at maging mula sa CPP-NPA-NDF at lokal na teroristang organisasyon.

Una na ring sinabi ni Duterte na nais ng CIA na patayin siya pero binabantayan naman siya ng Russia, China, Israel at Indonesia.

Facebook Comments