ASIAN GAMES | Cavs, nakasubaybay din sa paglalaro ni Jordan Clarkson

Sinusubaybayan ng Cleveland Cavaliers ang paglalaro ng kanilang guard na si Jordan Clarkson sa Asian Games sa Indonesia.

Ipinagmalaki ng Cavs ang unang laro ni Clarkson sa international game kung saan inilagay pa nila sa kanilang social media account ang pangunguna nito sa lahat ng mga scorers sa Asian Games debut.

Kabilang din sa tinukoy ay ang nagawang 28 points ni Clarkson, 8 rebounds, 4 assists at 2 steals.


Mayroon ding video clips sa naging unang laro nito sa Asian Games na mayroon nang na mahigit na sa 61,000 ang views.

Maging ang Fil-German na si Christian Standhardinger at Stanley Pringle ay nabanggit din dahil sa magandang performance nila kontra China.

Facebook Comments