HIHIGPITAN | ‘Oplan Katok’ mas pinaigting pa ng NCRPO

Manila, Philippines – Pinaigting ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kanilang kampanya kontra loose firearms.

Ayon kay NCRPO Chief, Director Guillermo Eleazar – inatasan na niya ang mga pulis sa kalakhang Maynila na paigtingin ang “Oplan Katok”.

Sa pamamagitan ng Oplan Katok umiikot ang mga kapulisan para puntahan yung mga may-ari ng expired na lisensya na baril para i-surrender nila at matulungan silang mag-renew ng lisensya.


Paliwanag pa nito, binibigyang opsyon ang may-ari ng expired na lisensya ng baril na mag-renew ng lisensya o di naman kaya ay i-surrender na lamang ito sa kapulisan.

Para naman sa nawalang baril, kinakailangang magsumite ang gun owner ng affidavit of loss kalakip ang police investigation report.

Habang ang ibinentang baril naman ay kailangang pangasiwaan ng nagbenta ang transfer of ownership ng kanyang baril sa Firearms and Explosives Office (FEO).

At kapag ang may-ari naman ng baril ay sumakabilang buhay na pinapayuhan ang naulilang pamilya nito na makipag-ugnayan sa FEO office para sa revocation ng lisensya o transfer of ownership.

Sa ilalim ng Republic Act 1059 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition, ang PNP chief, sa pamamagitan ng FEO, ang may kapangyarihang mag-issue ng lisensya ng baril sa mga kwalipikadong indibidwal.

Facebook Comments