Manila, Philippines – Hihilingin ni Speaker Pantaleon Alvarez na i-certify as urgent ang Bangsamoro Basic Law.
Ayon kay Alvarez, balak niyang kausapin si Pangulong Duterte bago magsine-die adjournment ang Kongreso sa Mayo 30 para sertipikahang urgent ang BBL.
Tiwala naman si Alvarez na maaaprubahan ang BBL sa ikatlo at huling pagbasa bago ang pagtatapos ng 2nd regular session sa katapusan ng Mayo.
Samantala, kakatapos lamang ngayon ng all member caucus sa Mababang Kapulungan kung saan pinagusapan ang mga priority measures kasama na ang mga napagkasunduang probisyon sa BBL.
Pero ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, bukas ay magpupulong pa ang liderato ng Kamara kasama ang Bangsamoro Transition Commission.
Ito ay para mapagkasundo ang mga isyu sa ilalim ng BBL.
Sakaling may mga contentious issues sa BBL ay posibleng magpatawag ulit ng caucus ang Kamara.