Hilagang Luzon, uulanin dahil sa Amihan

Courtesy: PAGASA-DOST

Bahagyang humina ang Northeast Monsoon o hanging Amihan pero patuloy itong magpapaulan sa Hilagang Luzon.

Kabilang sa uulanin ay ang Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands.

Ang Aurora at Quezon naman, uulanin dahil sa easterlies.


Amihan din ang nakakaapekto sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, nalalabing bahagi ng Central Luzon at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers at thunderstorms naman ang iiral sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa bunsod ng easterlies at localized thunderstorms.

Facebook Comments