Hilig ng mga Pinoy sa holiday, dapat munang pag-isipan ayon sa isang senador

Pag-isipan muna ang hilig ng mga Pilipino sa holiday.

Ito ang iginiit ni Senate Minority Leader Koko Pimentel kasabay ng hirit na sa panahon ngayon na highly competitive at integrated ang mundo ay susi sa tagumpay ang productivity o pagiging produktibo.

Ayon kay Pimentel, matagal nang ginagawa ang holiday economics o iyong paglilipat ng holiday para sa long weekend.


Magkagayunman, hindi lamang ito tuloy-tuloy na ipinapatupad o ginagawa kaya aniya may naghain ng panukalang i-rationalize ang pagdiriwang ng national holidays para mabigyang daan ang long weekends na pinaniniwalaang magpapalakas sa domestic tourism at magsusulong ng work-life balance sa mga Pilipino.

Bagama’t may katwiran ang panukala, hiniling ni Pimentel na pag-isipan muna ito.

Paliwanag ng mambabatas, sa ngayon ay matindi ang kompetisyon ng mga bansa sa mundo kaya mahalaga ang pagiging produktibo sa mga trabaho.

Facebook Comments