Hilig sa japanese food, ginawang negosyo ng baguhang businesswoman

Mula sa hilig sa pagkain ng mga japanese food, isang negosyo ang nasimulan ng baguhang food businesswoman na si Mika Cantuba.

Sa segment na “Business as Usual” sa Usapang Trabaho ng RMN DZXL 558, ikinuwento ni Mika kung paanong naging matagumpay ang kanyang Mika-San Japanese Recipe na sinimulan niya noong September 2020.

Mula sa panunuod sa Youtube, natutunan ni Mika na gumawa ng baked sushi, isang casserole version ng maki at ibang japanese food gaya ng kimbap at spam musubi na iniaalok niya rin online.


Mas nakahakot din ng suki ang pagbibigay niya ng extra nori seaweed at beer bilang freebies.

At dahil mas maganda ang kita niya sa kanyang negosyo, napagdesisyunan na rin ni mika na mag-resign sa kanyang trabaho.

Facebook Comments