Hiling na 30-billion supplemental budget ng pangulo para sa mga biktima ng kalamidad, pag-aaralang mabuti ng senado

Para kay Senator Panfilo Ping Lacson, makabubuting pag-aralan munang mabuti kung sapat o kulang ang hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagpapalabas ng 30-billion pesos na supplemental budget para sa mga biktima ng pagputok ng bulkang Taal.

 

Sabi ni Lacson, kabilang sa kailangang silipin ay kung magkano pa ang natitirang National Disaster Risk Reduction and Management fund gayundin ang calamity funds ng mga local government units.

 

Tinukoy ni Lacson na base sa Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010, ay dapat maglaan ang bawat LGUs, kasama ang munisipalidad at barangay, ng 5% ng kita nito para sa kalamidad bukod pa sa internal revenue allotment.


 

Inihalimbawa ni Lacson ang lalawigan ng Batangas na may inilaang 183-million pesos sa kanilang 2019 budget para sa Local Disaster Risk Reduction and Management fund kung saan 55-million pesos pa ang natitira.

 

Paliwanag ni Lacson, ang mga hindi nagastos na calamity fund o kung may natira ay pinagsasama sama sa isang special trust fund para gamitin sa mga biglaang pangangailangan tulad ng pagputok ng bulkang Taal.

Facebook Comments