DOH, tiniyak na may nakalatag na protocol para sa mga viral na karamdaman

42

Tiniyak ng Department of Health na may nakalatag silang protocol para sa mga viral na karamdaman.

 

Ayon kay Research Institute for Tropical Medicine (RITM) OIC Dir. Ceila Carlos, ito ay nakabatay sa karanasan ng bansa sa middle east respiratory syndrome coronavirus o mers-cov.


 

Aniya, bahagya lang nila itong babaguhin upang maiangkop sa novel coronavirus.

 

Inihahanda na rin ng DOH ang bagong panuntunan kung paano itrato ang mga pasyenteng makikitaan ng sakit.

Facebook Comments