Hiling na asylum ni Atty. Harry Roque sa The Netherlands, malabong mapagbigyan —Malacañang

Screenshot from Harry Roque/Facebook

Naniniwala ang Malacañang na hindi basta-bastang mabibigyan ng asylum si Atty. Harry Roque ng The Netherlands dahil mahihirapan itong mapatunayan na may political persecution laban sa kanya dito sa Pilipinas.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, wala namang magiging epekto sa kinahaharap na kaso ni Roque ang hiling na asylum dahil mag pa-file pa lang naman ito ng petition at hindi pa granted kung saan dapat munang mapatunayan na may “well-founded fear of political persecution.”

Pero tanong ni Castro, paanong magkakaroon ng political persecution kung ang mga ebidensyang nakalap ng Presidential Anti-Organized Crime Commission laban kay Roque ay bigla na lang nadiskubre sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub sa Lucky South 99.


Kasama dito ang bank account, mga dokumento partikular ang contract of lease sa sinasabing manager ng Lucky South 99.

Muli namang hinamon ni Castro si Roque na umuwi na lang sa bansa at harapin ang kanyang mga kaso para maipakitang wala siyang kasalanan.

Bukod sa contempt order mula sa House of Representative, nahaharap din si Roque sa kasong qualified human trafficking na inihain sa Department of Justice (DOJ), dahil umano sa pagkakasangkot nito sa illegal POGO sa Porac, Pampanga.

Facebook Comments