
Ipinauubaya na ng Malacañang sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang desisyon kung sakaling hilingin ng International Criminal Court (ICC) ang pag-freeze sa assets o ari-arian ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, mas magandang ang AMLC ang magdesisyon sa bagay na ito dahil walang sino-sino ang konseho.
Pero para kay Castro, dapat ay noon pa sana nai-freeze ang assent ng dating pangulo matapos sampahan ng kasong plunder dating Senador Antonio Trillanes.
Bukod kay Pangulong Duterte, simapahan din ng kaso ni Trillanes si Senador Bong Go.
Paliwanag pa ni Castro, kung gagawin ito ng AMLC, labas na rito ang usapin ng pakikipagtulungan sa ICC dahil kinakailangang mabigyan din ng danyos na bahagi ng pagbibigay ng hustisya sa mga naging biktima ng extra judicial killing o EJK.