Hiling na extension ng BuCor para sa pagpoproseso ng papeles ng PDL returness, pinagbigyan

Pinagbigyan ng Department of Justice (DOJ) ang hiling ng Bureau of Corrections (BuCor) na karagdagang dalawang buwan para iproseso ang mga papeles ng natitirang persons deprived of liberty o PDL returnees.

Pero ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra – dapat tiyakin ng BuCor na nabibigyan ng maayos ng accommodation at pagkain ang mga bilanggo habang ipinoproseso ang kanilang mga dokumento.

Sa huling datos ng DOJ, nasa higit 400 returnees pa ang kasalukuyang nananatili sa isang covered court ng New Bilibid Prisons (NBP) habang nasa 24 naman ang nasa Correctional Institute for Women.


Facebook Comments