
Inaprubahan na ng Department of Justice (DOJ) ang hiling ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na ilagay sa Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) ang karagdagang indibidwal na inuugnay rin sa isyu ng flood control anomaly.
Inaprubahan ni DOJ Officer-in-Charge Eric Vida ang paglalagay sa ILBO ng 19 na indibidwal kasama sina dating Caloocan Representative Mitch Cajayon-Uy at ama ni Quezon City Rep. Arjo Atayde na si Arturo Atayde.
Dahil dito, mahigpit nang babantayan ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang mga pag biyahe sakaling lumabas ng bansa.
Hindi naman ipinagbabawal sa ilalim ng ILBO ang pag-alis ng bansa taliwas sa Hold Departure Order na iniisyu ng mga korte.
Ang naturang hiling para sa ILBO ay ipinadala ng ICI sa DOJ noong October 13.









