Manila, Philippines – Ibinasura ng Korte Suprema ang hiling ng Dept. of Justice (DOJ) kaugnay ng mga kaso ng Maute.
Matatandaang naghain ng petisyon si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na ilipat ang Maute cases sa special court sa Visayas at Luzon dahil sa takot ng mga hukom at piskal sa Marawi sa kanilang kaligtasan.
Ayon kay SC Spokesperson Theodore Te – nagdesiyon ang kataas-taasang hukuman na hawakan ng Cagayan De Oro ang mga kaso ng maute.
Sinabi rin ni Te – na pinasisiguro rin ang kaligtasan ng mga empleyado ng korte, piskal, abogado at mga akusado.
Ikukulong ang Maute sa Camp Evangelista sa Cagayan De Oro.
Dahil dito, balak na maghain ng motion for reconsideration ang DOJ.
* DZXL558*
Facebook Comments