Pangulong Duterte, muling iginiit na tatapusin ang gulo sa Marawi City

Manila, Philippines – Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa harap ng 602nd infantry brigade sa Camp Lucero sa Carmen, North Cotabato na tatapusin niya ang laban sa mga terorista.
Binigyang diin pa ng pangulo na hindi ordinaryong problema sa peace and order ang rebelyon kundi ito ay giyera.
Aniya, sinisira ng mga terorista ang bansa kung saan pinakalat ng mga ito ang droga sa Mindanao at ang kita naman mula sa droga ang ginagamit sa terorismo.
Kasabay nito ay sinita rin ni Pangulong Duterte ang mga moro na nagpapagamit sa mga dayuhan.
DZXL558

Facebook Comments