Hiling na pagbibitiw ni Secretary Duque, suportado ng opposition senators

Suportado ng minorya sa senado ang senate resolution number 362 na inihain ng mga senador na kabilang sa mayora kung saan hinihiling nila ang pagbibitiw ni Health Secretary Francisco Duque.

Paalala ni Opposition Senator Francis Kiko Pangilinan, Pebrero pa lang ay pinuna na nya ang kakulangan sa aksyon ng liderato ng Department of Health (DOH) ukol sa COVID-19.

Binanggit pa ni Pangilinan, ang pagkadismaya ng tutulan ni Duque ang mungkahi nila noong January 28 na magpatupad agad ng travel ban sa mga byahero galing sa Wuhan, China.


Diin ni Pangilinan, mahigit dalawang buwan na ang nakalipas, pero wala pa ring pagbabago sa makupad at malabong pagpapatupad ng mga Anti-COVID effort.

Giit ni Pangilinan, hanggang ngayon ay hindi maayos ang contact tracing, ang travel restrictions, at mass testing at hindi rin agad nagawan ng paraan ang kawalan ng Personal Protective Equipment PPEs sa mga ospital kaya maraming mga healthworkes ang nahawa ng virus.

Nakikita ni pangilinan na mas akmang mamuno sa doh si Philippine General Hospital Director Dr. Gerardo Gap Legaspi o kaya ay si dating Health Secretary Dr. Manuel Dayrit.

Facebook Comments