Ibinasura ng Supreme Court (SC) ang hiling na pansamantalang kalayaan ni pork barrel scam mastermind Janet Napoles.
Kasunod ito ng naging apela rin ni Napoles noong January 13 kung saan piyansa o house arrest ang kaniyang nais na hindi rin pinayagan ng second division ng korte.
Sa apela ni Napoles, nakasaad ang kaniyang pagkabahala na magkaroon ng mataas na tiyansang mahawa sa COVID-19 sa loob ng Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.
Habang kasama rin dito ang ilang rason para mapasama sa mga pansamantalang palalayaing kabilang sa Persons Deprived of Liberty (PDLs) dahil sa epekto ng COVID-19.
Nakapagsumite na rin si Napoles sa korte ng hindi authenticated na medical certificate kung saan isinasaad na siya ay may diabetes at hypertension.
Ang mga sumuporta sa pagbasura ng paghahain ng pansamantalang kalayaan ni Napoles ay sina; Senior Associate Justice Estela Perlas Bernabe, Chief Justice Alexander Gesmundo, Justices Amy Lazaro Javier at Ricardo Rosario.