Ombudsman, ibinasura ang kasong kriminal at administratibo laban sa 11 matataas na opisyal ng PhilHealth

120

Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang kasong kriminal at administratibo laban sa 11 matataas na opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Kaugnay ito sa paghahain ng kaso ng ilang regional officer ng PhilHealth na pinatawan ng suspensiyon at inilipat ng assignment noong 2017 hanggang 2019.


Sa 29 na pahinang desisyon ng special panel of investigators ng Ombudsman, ibinasura ang kasong kriminal at administratibo laban kina;

Dating PhilHealth Acting President Roy Ferrer
Dating Interim President Celestina Ma. Jude Dela Serna
Chief Operating Officer Ruben John Basa
Management Services Sector Senior Vice President (SVP) Dennis Mas
Vice President for Corporate Affairs Group Shirley Domingo
Office of the Senior Vice President, Legal Sector SVP Rodolfo Del Rosario Jr.
Chief of Staff Raul Dominic Badilla
Health Finance Policy Sector SVP Israel Pargas
Angelito Grande
Lawrence Mijares
At Acting Senior Manager of the Operations Audit Department Leila Tuazon

Facebook Comments