Hiling na TRO ni ERC Chair Vicente Salazar, ibinasura ng CA

Manila, Philippines – Bigong makakuha ng Temporary Restraining Order o TRO sa Court of Appeals ang suspendidong si Energy Regulatory Commission Chairman Jose Vicente Salazar.

Hindi nakumbinsi ni Salazar ang Appellate Court sa inihihirit nitong TRO matapos siyang patawan ng Malacanang ng 90-araw na preventive suspension dahil sa alegasyon ng kurapsyon sa ERC.

Sa June 17, 2017 ruling ng CA, Ibinasura ng 8th Division ng Appellate Court ang petisyon ni Salazar para sana sa Temporary Restraining Order.
Nauna nang naghain ng reklamo sa Ombudsman ang mga empleyado ng ERC laban kay Salazar dahil sa umano’y paglabag nito sa Civil Service Code matapos ang kwestyunableng pag-appoint nito ng ilang opisyal sa ERC.


Nabatid habang nakaleave sa pwesto nag-talaga si Salazar ng OIC sa ERC kahit mayroon nang naging appointment ang Malacanang.

Bukod dito may reklamo rin laban kay Salazar ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Electric Power Industry Reform Act of 2001.
Nauna na ring pinagbitiw ni Pangulong Duterte si Salazar pero hindi nito sinunod.

Naging kontrobersiyal ang pangalan ni Salazar ng dahil pagpapakamatay ni ERC Dir. Francisco Villa Jr. dahil sa alegasyong ipinipilit ng ilang opisyal ng ERC ang pag-apruba sa ilang kwestyunableng kontrata.

Facebook Comments