Hiling ng Gamaleya na pahabain ang interval ng Sputnik V doses, pinag-aaralan ng vaccine experts – FDA

Kasalukuyang pinag-aaralan ng Vaccine Experts Panel (VEP) ang hiling ng Gamaleya Research Institute ng Russia na amiyendahan ang Emergency Use Authorization (EUA) para pahabain ang interval sa pagitan ng dalawang doses ng Sputnik V COVID-19 vaccines.

Mula sa original interval na 21 days o tatlong linggo, nais ng Gamaleya na pahabain ito ng hanggang tatlong buwan.

Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, positibo ang feedback ng mga local experts hinggil dito.


Humihingi na lamang ang mga vaccine experts ng datos mula sa Gamaleya para ayusin ang magiging maximum period ng pagbibigay ng second dose.

Sinabi naman ni Dr. Rontgene Solante ng Vaccine Experts Panel, wala namang problema kung pahahabain ang interval sa pagitan ng dalawang doses pero hindi dapat ito sasagad ng anim na buwan o isang taon.

Facebook Comments