Hiling ng kampo ni Sen. Dela Rosa na kumpirmahin ang ICC Warrant of Arrest, hindi pinagbigyan ng DOJ

Tinanggihan ng Department of Justice (DOJ) ang hiling ng kampo ni Senator Bato Dela Rosa na magbigay ng impormasyon hinggil sa sinasabing warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court (ICC) laban sa kanya.

Ayon kay Chief State Counsel Dennis Arvin Chan, hindi maaaring magbigay ang DOJ ng anumang payo sa nasabing usapin bilang pagsunod sa judicial courtesy na iginagawad sa mga korte.

Dagdag pa ng DOJ, napagtuunan na ng Korte Suprema ang isyu ng umano’y ICC warrant nang tanggihan nito ang kahilingan ng kampo ni Dela Rosa na pilitin ang pamahalaan na ilabas ang nasabing dokumento.

Humiling naman ang kampo ng senador ng kumpirmasyon at paglilinaw kung may natanggap na anumang komunikasyon ang DOJ mula sa ICC o Interpol kaugnay ng umano’y warrant of arrest, red notice, o surrender request laban sa senador.

Inaalam din ng kampo ni Dela Rosa kung may naging koordinasyon sa Department of Foreign Affairs (DFA) at kung may inilabas na kautusan ang DOJ sa National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Immigration, at Philippine National Police (PNP).

Una nang ibinunyag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla noong nakaraang taon na nakapaglabas na umano ang ICC ng warrant of arrest laban kay Sen. Dela Rosa dahil sa sinasabing pagkakasangkot nito sa war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo

Facebook Comments