Manila, Philippines – Pinalagan ng Public Attorney’s Office (PAO) ang panawagan ni dating Health Secretary Esperanza Cabral na ipatigil ang pagsasagawa ng autopsy at forensic examination sa mga batang namatay dahil umano sa Dengvaxia.
Ayon kay PAO Chief Atty. Persida Acosta, ang imbestigasyon ay alinsunod na rin sa hiling ng mga magulang na nais malaman ang tunay na ikinamatay ng kanilang mga anak na binakunahan ng Dengvaxia.
Giit pa ni Acosta, credible ang mga pathologist ng PAO para magsagawa ng forensic exam taliwas sa naging pahayag ni Cabral.
Facebook Comments