Hiling ng NDFP na SOMO sa Bukidnon, hindi pinansin ng AFP

32

Manila, Philippines – Tinanggihan ng militar ang hiling ng National Democratic Front of the Philippines na magkaroon ng sampung araw na Suspension of Military Operation sa Bukidnon.

 

Hiniling ito ng NDFP para sa ligtas na pagpapalaya nila sa isang pulis na isang buwan nang bihag ng mga rebelde.

 

Ayon kay 4th Infantry Division Spokesperson Capt. Joe Patrick Martinez, natutuwa at nagpapasalamat sila na palalayain na ng mga rebelde si PO2 Anthony Natividad ng kalilangan police.

 

Pero iginiit ni Martinez na hindi nila pwedeng suspendihen ang kanilang mga operasyon laban sa New People’s Army.

 

Katuwiran naman ni 4th ID Commander Maj. Gen. Benjamin Madrigal, patuloy pa rin kasi ang panggugulo ng New People’s Army sa Bukidnon kaya kailangan nilang panatilihin ang kanilang presensya doon.



Facebook Comments