Hiling ng Ombudsman na kanselahin ang piyansa ni dating Palawan Governor Joel Reyes, diringgin ng Sandiganbayan ngayong araw

Manila, Philippines – Didinggin ngayong araw ang hiling ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan na kanselahin ang piyansa ni dating Palawan Governor Joel Reyes.

Sa tatlong pahinang urgent omnibus motion sa Sandiganbayan 3rd division, pinakakansela ng Ombudsman ang ibinayad na piyansa ni Reyes para sa kasong paglabag sa ra 3019 o anti-graft and corrupt practices act kaugnay ng maanomalyang renewal ng small scale mining permit.

Hiniling din ng prosekusyon na kaagad maglabas ng commitment order para kay Reyes.


Giit ng Ombudsman, ngayong nakalaya si Reyes sa hiwalay na kasong pagpatay sa mamamahayag na si Doc. Gerry Ortega, maaari siyang magtago muli.

Kailangang ring ikonsidera anila ng korte ang dating record ni Reyes na nagtago sa batas at naaresto sa thailand.

Samantala , paliwanag naman ng abogado ni Reyes na si Atty. Ferdinand Topacio, hindi flight risk ang kaniyang kliyente at hindi magtatago.

Aniya, patutunayan nilang mananatili sa Pilipinas si Reyes para linisin ang kaniyang pangalan.

Facebook Comments