Manila, Philippines – Tinanggihan ng Sandiganbayan anghiling ni dating Makati Mayor Elenita Binay na ipagpaliban ang nakatakdanghearings para sa kanyang mga kasong graft at malversation kaugnay ng umano’ymaanomalyang pagbili ng hospital beds at sterilizers para sa ospital ng Makati.
Sa 6 na pahinang resolusyon, iginiit ng anti-graft court6th division na tanging temporary restraining order o writ of preliminaryinvestigation lamang na magmumula sa Korte Suprema ang maaaring humadlang saproceedings ng kaso.
Sa kanyang mosyon, hiniling ni Binay sa korte naipagpaliban ang proceedings dahil maghahain siya ng petition for certiorari sa SupremeCourt para kuwestyunin ang pagtanggi ng Sandiganbayan sa kanyang hirit nare-raffle sa mga kaso.
Pero ayon sa anti-graft court, hindi maaaring pigilin ngpetition for certiorari ang pagkakaroon ng hurisdiksyon ng Sandiganbayan sakaso.
Gayundin, sinabi ng korte na ni hindi pa nga naihahain niMrs. Binay ang petition for certiorari sa kataas-taasang hukuman kaya walangdahilan para maapektuhan ang pagpapatuloy ng paglilitis sa kanyang kaso.
Hiling ni dating Makati Mayor Elenita Binay na ipagpaliban ang pagdinig sa kaso, sinopla ng Sandiganbayan
Facebook Comments