Hindi pinagbigyan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang hiling ni Pasig City Mayor Vico Sotto na patuloy na makapag-operate ng traysikel sa lungsod.
Sa Laging Handa Briefing, sinabi ni DILG Usec. Jonathan Malaya na naiintindihan nila kung bakit humihingi ng exception si Sotto pero posibleng kumalat ang virus kung ipagpapatuloy ang mass transportation.
Pwede rin kasi, aniyang, mag-request ang ilang alkalde ng lungsod sa Metro Manila kung pagbibigyan nila ang hiling ni Mayor Sotto.
Dagdag pa ni Malaya, kung ang biyahe ng mga health workers ang iintindhin ni Mayor Sotto, mas mabuting gumawa na lang ito ng paraan tulad ng ginagawa ng ibang lungsod.
Facebook Comments