Hiling ni VP Leni na karagdagang pondo, hindi na dapat ianunsiyo sa publiko ayon kay Speaker Cayetano

Iginiit ni House Speaker Alan Peter Cayetano kay Vice President Leni Robredo na dumiretso na dapat siya sa Kongreso kung hihingi ng dagdag na pondo para sa kampanya kontra ilegal na droga kaysa sa i-anunsyo ito sa publiko.

Una nang sinabi ni Robredo na kulang ang 15 Million Pesos na budget para sa war on drugs sa ilalim ng proposed 2020 National Budet.

Bagamat suportado ni Cayetano si Robredo bilang Anti-Illegal Drug Czar, sinabi niya na dapat idaan sa tamang paraan ang paghingi ng pondo.


Paglilinaw ni Cayetano, hindi niya kinikritiko si Robredo, pero nais lamang niyang tulungan ang Bise Presidente sa pagpapatupad ng Anti-Drug Campaign.

Tiniyak naman ni House Committee on Dangerous Drugs Chairperson, Rep. Robert Ace Barbers na bibigyan ng mataas na budget ang pinamumunuan ni Robredo na Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Facebook Comments